Sunday, August 23, 2009

Kalabanin ang Twitter

Read the first installment of Zoorla and Juniffer's adventures, "Kalabanin ang Google at Facebook."

Sa isang coffee shop malapit sa isang I.T. research facility sa Silicon Valley, nagsu-Sudoku si Programmer Juniffer. Enter si Programmer Zoorla.


Programmer Zoorla
'Day, natanggap mo na ba ang initial hit reports ng Chorvah search engine mo?

Programmer Juniffer
Oo, pero 'di pa kumakagat. Hinahanda pa ng taga-Marketing ang mga releases para sa CNet, Wired, Techcrunch, at kung anu-ano pa diyan... antagal nga nila.

Programmer Zoorla
Baka tinatayming pa nila...'di ba't kalalabas lang ng Ate Bing ng Microsoft? Nasubukan mo na?

Programmer Juniffer
Oo... at isa siyang Bing There, Done That. Mananalo pa rin ang Chorvah natin...

Programmer Zoorla
Well, dear, meron na rin akong ginawa na siguradong panalo din. Isang microblogging website na makikipagbanggaan sa Twitter.

Programmer Juniffer
Uy, gusto ko ang Twitter! Kahit wala siyang ginagawa, gusto ko siya.

Programmer Zoorla
Pero, huwag ka... itong bagong website ko ay nag-uumpisa nang kumain sa market share ng Twitter na 'yan! (fires on his laptop and goes online)

Programmer Juniffer
Ay... ah... Tweetams?

Programmer Zoorla
Koraks and stones!! Tweetams is the newest and most advanced microblogging website.

Programmer Juniffer
Eh papaano seseryosohin ang Tweetams mo, eh, para ka lang nagpapa-kyut?

Programmer Zoorla
Darling, ano ba ang ginagawa ng karamihan sa Twitter?

Programmer Junnifer
Ah...Nagpapakyut?

Programmer Zoorla
Koraks and boulders!! Huwag na nating lokohin ang sarili natin na kesyo nagma-microblogging tayo para iligtas ang mundo sa global warming, 'noh?! Nagpapakyut ka lang naman, e di harap-harapan na ang pagpapakyut. At anong microblogging site ang bagay sa mga chronic na nagpapakyut? Tweetams.

(pause)

Programmer Juniffer
Darling, hindi pa rin ako solve diyan. Andami nang artista't pulitiko na nagti-Twitter.

Programmer Zoorla
Tignan mo 'to... (types on the laptop, plus click-click).

Programmer Juniffer
(reads) Ay! Totoo ba itech? Lady Ga-gah, may account??

Programmer Zoorla
Ayaw mong maniwala? Basahin mo.

Programmer Juniffer
(reads) "Hello po! Sobrang tenkyu sa mga nag-attend ng concert ko diyan sa Pilipinas! Sana po nagustuhan ninyo ang mga kanta't sayaw ko, at sana huwag kayong maniwala sa mga tsismis na nagsasabing lalaki ako. Siguro nakita na ninyo sa pagbubuka-bukaka ko na isa akong 100% bilat. Mabuhay po kayo, at magpakagaga pa rin kayo, mga hayup!!"

Punyeta naman, Zoorla. Anong Lady Ga-gah? Eh si Lady Aligaga 'to, eh. Nag-Tatagalog ang pota.

Programmer Zoorla
Iyan ang isang feature ng Tweetams. May automatic translation feature. Kung ano ang sinulat ng tao, ay kaagad na sinasalin ng Tweetams ayon sa IP address ng user. Pero... may isa pang mas magandang feature... kapag nag-twet ka na...

Programmer Juniffer
Twet?

Programmer Zoorla
Oo, kase nakuha na ng Twitter ang "tweet," 'di ba? Kaya sa Tweetams, ikaw ay nagte-twet.

Programmer Juniffer
Ang baho naman ng twet, ate. Parang may diarrhea-action na nagaganap.

Programmer Zoorla
Mabaho, 'ka mo? Eh, kung "wet"? Wet na lang. Mag-wet ka diyan. Magpakyut ka diyan sa pagwe-wet mo.

Programmer Juniffer
Darling... 'wag na twet. Tweetams na lang. Mag-Tweetams ka sa Tweetams website. O, ayan ha, may contribution na ako.

Programmer Zoorla
Ay, salamat sa contribution mo! Hindi na kasi umaandar ang utak ko.

Programmer Juniffer
Ay...darling... look, oh. Nag-user search ako sa Tweetams mo at nandito na rin ang crush mong si Bonjobi!!

Programmer Zoorla
Ay, bilis! Buksan mo ang page niya!! Anong twet...este, pa-tweetams niya?

Programmer Juniffer
Ah... patay... Darling... wala akong kinalaman dito, ha?

Programmer Zoorla
(reads) "Miss na kita, mahal kong Juniffer."

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin