Wednesday, March 25, 2009

Kalabanin ang Google at Facebook

NOTE: Forgive me. Just needed to do this.

Sa isang coffee shop malapit sa isang I.T. research facility sa Silicon Valley, nagkakape si Programmer Zoorla. Enter si Programmer Juniffer.


Programmer Juniffer
Darling, natapos ko na rin. Dyusku, ten thousand years ko itong trinabaho!

Programmer Zoorla
Anech ba 'yan? Ilang araw ka nang nakakulong sa laboratoryo mo. Hindi ka na nakakapag-gimik. Ayan, nagkaroon ka na ng natural highlights. In English...uban. In British... uban jungle.

Programmer Juniffer
Natapos ko na ang pinakabagong search engine na tsutsugibells sa Googelyah.

Programmer Zoorla
Talaga? Ang galing! Pa-search nga diyan sa inimbento mong search engine!

Programmer Juniffer
Eto ang mobile phone ko. Dito ako nag-code. Naglagay na rin ako ng Wi-Fi capability sa phone ko.

Programmer Zoorla
Dito mo ki-nowd ang Googelyah search engine fighter mo???

Programmer Juniffer
Oo, bakit?

Programmer Zoorla
Eh, punyetang Nokia 3210 itong hayup na celphone mo. Mas matanda pa 'to sa lola ko.

Programmer Juniffer
((presses a button on the celphone))

Programmer Zoorla
Aba! May Safari browser ka, ineng! Mac baga.

Programmer Juniffer
In English...Macamandag! Sige, i-search mo kung nasaan ang crush mo.

Programmer Zoorla
I-search ko yung crush ko, 'ka mo?

Programmer Junnifer
Hindi. I-search mo kung NASAAN ang crush mo NGAYON.

Programmer Zoorla
May ganon?

((types)) Where is my crush Bonjobi... ngayon?

((enter))

One result daw, o. "Bonjobi is going to the west wing comfort room of the second floor of building D-3, approximately 30 meters from your location. He just had merienda with Barrakus, the operations manager, who is wearing a yellow summer dress by Kashieca. Bonjobi is in love with Barrakus, but you're not supposed to know that."

Juniffer... echosera itong search engine mo.

Programmer Juniffer
Maganda kayang pangalan ng search engine 'yan?

Programmer Zoorla
Echosera?

Programmer Juniffer
Oo. Tignan mo 'yung mga pangalan ng mga applications at websites ngayon. Mayroong Ubuntu, Squidoo, Twitter, Google, Django, Voxli, Phlook, Plurk... 'di ba parang mga tanga? Pero memorable ang mga pangalan kase kakaiba.

Programmer Zoorla
Eh kung Chorvah na lang?

Programmer Juniffer
Hmmm... Chorvah... "We will soon be releasing the beta version of our Chorvah search engine very soon. Chorvah's revolutionary search protocols and algorithms guarantee accurate results everytime. Eventually, users will equate Chorvah with accurate, relevant and up-to-date web searching. Complete your web experience with Chorvah."

Maganda.... I like...Dadating ang panahon na sasabihin na lang natin ay, "Punta ka sa Web at i-Chorvah mo na lang."

Programmer Zoorla
O, i-print mo na 'yan. Puntahan mo na si Designer Mishokolat para gawan ng logo.

Programmer Juniffer
Or, in English. "Log on to the Web. Just Chorvah it! Did you Chorvah it already? I love, love Chorvah."

Programmer Zoorla
O, sya. bablik na ako sa trabaho. Basta kapag yumaman ka diyan, huwag mo akong kalimutan.

Programmer Juniffer
Ano nga pala ang project mo ngayon?

Programmer Zoorla
Social networking site. Kakalabanin ang Fezbook.

Programmer Juniffer
Anong title?

Programmer Zoorla
Chenelyn.

10 comments:

gentle said...

hahaha. muntik ko nang makalimutang huminga sa kakatawa kuya carl! :)

ahlavet.

Jac said...

argh! I mishu carveeeeeeer! *pounce*

thanks for making my day XD

Kiks said...

aylaveeeeet!!!!

dapat magawa na ang Chorva search engine. at pwede vah, mabuo na rin yang chenelyn na yan!

now na. aaz en!

Geoff said...

hahaha! this is hilarious! can't wait to see the logos of chorva & chenelyn.

The Zen Bitch said...

chorvah at chenelyn talaga! kalokah na bonggah pah!

midicrux said...

Dear Carlo,

I can say this with absolute certainty that the word 'chenelyn' or its earlier incarnation 'chenalyn' was invented by a woman you've met at one of those dinner parties at WP...and her name is Jovan de Ocampo.

Origin: circa 1993, a few weeks after the E-heads launched Ultraelectromagneticpop. :))

Phenomena like 'chenalyn' 'chorva' and 'chu-chu' are such magical things, aren't they?

paderewski said...

winner! this is why you're a writer and we are fans hahaha panalo ka carver

fpj jr said...

hahaha... super tawa ako sa kwentong ito! malay natin in the next ten years Chorva is an official word for search alongside google...mabuhay po kayo!
bongang bonga!

Anufi, Patronesa-in-waiting ng mga Veykla said...

haha! buti na lang nasipsip ko na ang sago gulaman ko bago ko nabasa itwu! Winner! Go Chenelyn! Klap ang mga tunay na veyklas (http://tunaynaveyklas.blogspot.com

palma tayona said...

mwahahahaha!!!
mwahahahaha!!!

*ka-blog!*

(at may isang artist na namatay dahil sa katatawa.)

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin