Tuesday, July 22, 2008

Ang Komiks Na Bebenta

Isang gabi, habang nagkakape...

Carlo: O, nakatingala ka nanaman. Bilog ba ang buwan?

Carl: Iniisip ko lang kung paano bebenta ang komiks. 'Yung napakaraming komiks. Sandamukal na Pinoy komiks...

Carlo: Simple lang 'yan. Para bumenta ang sandamukal na komiks, kelangan meron munang sandamukal na komiks na binebenta. E iilan lang na komiks ang nakikita natin. Gets?

Carl: Hindi 'yon. Pangarap ko kase na pag-uusapan ng marami ang komiks katulad ng sine at serye sa tibi. 'Yung tipong malaki ang fanbase. Merong mga message boards. Mga fansites...

Carlo: ... mga prayer rally, mga nobena, at kung anu-no pa. Gets ko. Napakahirap naman ng tanong mo. Makatulog na nga.

Carl: Anukaba? Kinulit mo na nga ako sa Makopa noon, tapos ngayon na nagtatanong ako nang makabuluhan, boborlog ka.

Carlo: Kiliti.

Carl: Wala ako sa mood na makipagkilitian sa 'yo.

Carlo: Para mo na ring inamin na nagkikilitian tayo. Ang sagwa.

Carl: Hayup. Saan naman nanggaling ang "kiliti."

Carlo: Para bumenta ang kahit ano, dapat marunong itong kumiliti. Dapat marunong din itong mang-akit. Umintriga. Manghalina. Kung kailangan, umiskandalo... basta ligal.

Carl: Ligal na pokpok?

Carlo: Tumpak ka d'yan, tsongkers!

Carl: Hmmm... bale dapat maging malinis na pokpok ang komiks para bumenta nang katukut-takot?

Carlo: Iba ang 'malinis' sa 'ligal.' Marami diyang ligal ng madungis, 'diba? Atsaka, ang pinag-uusapan natin ay katakut-takot na benta. Pupuwede ka naman gumawa ng komiks na tungkol sa... gardening. O kaya sa...table manners and conduct, pero 'di tayo nakasisiguro kung papatok ang mga ito.

Carl: E, kung gardening na komiks pero may gulungan sa putikan...?

Carlo: Ganun na nga. "Pokpok na ligal."

Carl: Kung gusto kong gumawa ng komiks na pambata, p'ano 'yun?

Carlo: Same rule. Different approach.

Carl: Inggles?

Carlo: Kapal mo. Porke't Carl ang pangalan mo, 'di nangangahulugan na nakalalamang ka. Aba, pare, mas gusto 'ata ng mga afam ang pangalan ko. Exotic.

Carl: Parang bayawak.

Carlo: ...

Carl: One point.

Carlo: Ang challenge ng komiks na pambata ay kung ano ang nararapat na ipakita at ipaalam sa mga magbabasa nito. Dahil dito, karamihan sa mga kontent ng children's stories ay nasa safe zone. Okey lang 'yun. Ang challenge lang ay kung papaano ka maglalaro sa loob ng safe zone, saan ka pupuwede mageksperimento.

Carl: O kaya kung paano ka dadaplis sa danger zone.

Carlo: Tama. Kapag dumaplis ka sa danger zone, makukuha mo ang atensyon ng mga adults. Maiintriga sila. At kapag nakita ng bata na naiintriga ang mga adults, iisipin ng mga bagets na may katuturan ang binabasa nila...dahil pinapansin ng mga matatanda. Kung ordinaryong kuwentong pambata lang ang pambato mo, kung pangkaraniwan ang hitsura ng mga karakter mo, kung wala kang kinukurot sa safe zone, madali itong makakalimutan.

Carl: At bebenta nang katakut-takot 'yon?

Carlo: Maaari. May tsansa.

Carl: Bale, pagdating sa mga komiks na pang-tindeyer o adults, dapat danger zone na.

Carlo: Na ligal.

Carl: Hmmm... Interesting. Bayawak ka na, matalino pa.

Carlo: Siyempre, nagmana ako sa 'yo.

No comments:

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin