Wednesday, March 12, 2008

A Brilliant Idea?

Isang araw, kausap ko nanaman ang aking sarili...

CARLO: Ano ka ba, Carl?! Pang-ilang kape mo na 'yan! Kulang na lang maglagay ka ng arinola sa tabi mo.

CARL: Inaantok ako, eh! Marami pa akong gagawin!

CARLO: Alam mo, dapat gumawa ka na ng komiks na hahataw sa takilya. 'Yung makapagbibigay sa 'yo ng limpak-limpak na salapi para hindi ka na parating ganyang nagkukuba-kuba sa kadodrowing. At tama na rin 'yang Zaturnina na 'yan, hindi na 'yan uso.

CARL: Oo, babalikan ko na po si Zaturnnah. Minsan kasi'y kailangan po nating magpaka-pokpok.

CARLO: Hindi 'yon! Dapat may bago kang ideya, istrok, gimik. 'Yung pag-uusapan! 'Yung ilalagay ka sa kakaibang antas!

CARL: Marami na akong ideya, salamat. Kapag nagsaksak pa ako ng bago eh baka hindi lang utak ko ang pumutok.

CARLO: Tsaraaannnn!!

CARL: Ano 'yan?

CARLO: Ang bago mong proyekto. "Makopa."

CARL: Hah! Mukhang bold.

CARLO: Tumpak! Gagawa ka ng bold. Bomba. Kangkang komiks. 'Di ba't may nagtanong na sa 'yo dati kung bakit ayaw mong gumawa ng yaoi? O, eto na! Gumawa ka ng Pinoy kangkang komiks!

CARL: Ngek! Matulog ka na nga! Istorbo!

CARLO: Pakinggan mo ako, plis, sige na. Okey 'to, tsong! Gumawa ka ng kangkang komiks para lalu pang lumawak ang awdiyens mo. Ngayon, karamihan ay mga bading at babae. Sa "Makopa," makukuwartahan mo na ang mga hayok na lalaki.

CARL: Ikaw talaga. Kung pera lang ang habol ko, e di dapat hindi ako nagkokomiks. At hindi ako gagawa ng basurang kuwento!

CARLO: At papaano naman naging basura ang "Makopa?" Isa siyang erotic thriller with socio-political commentary. Aba, 'di ba naging uso 'yan sa mga pelikula natin noon? Tapos ngayon, may mga indi-indihan na pelikula na maraming kangkangan pero may profundity. May depth. May mensahe na kadalasan direktor lang ang nakakaalam.

CARL: Eh bakit "Makopa?"

CARLO: Dahil matunog. Rule Number One sa pagpili ng pamagat. Dapat matunog. Madaling matandaan. Suwabe sa dila.... "Mah-koh-paaahhh." O 'di ba parang "kopas?" Matalino ka siguro, 'di ba? Kaya mong gumawa ng malalim na kuwento na may kinalaman sa makopa, 'di ba?

CARL: ....

CARLO: Uuuuyy... nag-iisip...

CARL: Hindi ako nag-iisip. Nagdilim lang ang paningin ko...

CARLO: O sya, sya. Tapusin mo na 'yang pagpapakapokpok mo. Basta kung interesado ka, kausapin mo ako.

CARL: Nek-nek mo.

8 comments:

Anonymous said...

TUMUMBLING AKO...
Nakakatawa yung MAKOPA!!!
Pangalan ba yan nang lead character o yan ba ang nararamdaman ng character/s?
TUMBLING....CARTWHEEL...POSE!

tuxqs

Ed said...

Hehehe!

Naalala ko tuloy nung ako'y teenager pa lang, mga barkada ko nagvo-voice over ng kunwari'y isang movie ni Redford White entitled "Anak-Araw". Pero in sexy aroused voice over yun. Hehehe.

I like that title--MAH-KOHH-PAAAH... :P

Reia said...

hahahahahahahahahaha! langya... sumakit tyan ko at nag-wave ang bilbil koh!!!!!

freshmess said...

ang makopa ay mapula. ayos carl! scandalicious! lol.

Marc Ambrosio said...

LOL!!! Very entertaining internal dialogue there. If I heard it, I would have thrown in my $0.02 about doing such a project, if not such, do some artwork of that nature on the side. Sure, it can put you in a more salacious light, but it broadens the fan base. Reminds me a while back in 1993 about a certain Penthouse Comics issue #1 that got released back then.

maria said...

Ganda ng artwork! Is this a plan about to be executed? Tama, gusto ko rin ang sound ng MAH-KOHH-PAAAHH. Nyek, di kaya mabago orientation ko nito? Wah ha ha!!!

Tisha said...

What really got my attention was that you called yourself..."tsong"!

azrael said...

heehehe..alam ko magiging astig ito

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin