Sunday, November 18, 2007

Komikonek

In English, "Comic Connect," "Comicon Connection," etc. It would make a nice name for a Pinoy Comics Consortium, eh?

Anyway...

During the past Komikons, parati akong late. Kaya this time, pinagsikapan kong gumising nang maaga kahit tatlong oras lang ang tulog ko. Okey lang 'yun dahil minsan lang sa isang taon ang Komikon. Sinigurado kong gawing sleeveless ang aking suot, dahil base sa experience sa mga nakaraang Komikon ay pagpapawisan ako ng katakut-takot.

Pagdating ko sa UP Bahay Ng Alumni, ang itinanghal na "Hall of Justice" ng iilang taga-UP, agad-agad kong hinanap si Jonas Diego dahil ipinagkaloob niya sa amin ang bahaging espasyo sa kanyang malawak na mesa. Thanks a million, Jonas! Ang guwapo mo!

Tamang-tama at nandoon si David Hontiveros, ang manunulat ng Penumbra novellas. Dalian naming isinet-ap ang aming bilihan. Maya't-maya'y sinamahan kami nina Marco Dimaano (Angel Ace) at Elbert Or (Bakemono High), pati na rin ni Steven Pabalina (Divine Comedy).

Iilang kopya lang ng Zaturnnah graphic novel ang dinala ko, dahil noong isang taon ay wala pa 'atang sampung kopya ang nabenta. Nguni't dahil sa napakagandang puwesto ng mesa ni Jonas ay kitang-kita kami sa entrada ng benyu, at wala pang ala una ng hapon ay natangay na ang sampung kopya na ibinigay ng publisher ko. Pati na rin ang iilang Penumbra novellas ni David na halos langawin noong isang taon ay nabenta rin, partikular ang Craving at Takod. Pagsapit ng alas-tres ay naubos na rin ang trentang kopya ng One Night In Purgatory. Ika nga nila... location, location, location.

Ginusto kong umikot muna para maki-chicka at bumili ng komiks, nguni't naging abala ako. Ngayon lang ako naging bisi sa Komikon. Naging judge ako sa Talecraft contest, at ginawa akong participant sa 30-minute drawing challenge. Buti na lang at nakahanap ako ng kaunting oras para bumili ng, among other things, mga indi-indihan, ang bagong Trese ni Budjette Tan, ang ni-launch na Skyworld: Apocrypha, ang latest ng Kalayaan ni Gio Paredes, etc.

Kakatuwa 'yung 30-minute drawing challenge. Kasama ko sina Wilson Tortosa at Taga-Ilog. Magdodrowing kami ng aming interpretasyon ng isang tema. 'Yung nabunot kong tema ay, "Anong sasabihin ni Shaider kay Zaido?" Umiling kaming tatlo, hindi namin feel. Ang nabunot ni Taga-Ilog ay, "What if Wolverine was gay?" Game ako doon siyempre, pero tagilid 'yung mga kasama ko. Nabunot naman ni Wilson ang, "What if Pugad Baboy was manga?" Ay, leche! Tiklop ako d'on, lalu na't nariyan ang dalawang kilala dahil sa manggahan.

Kaya nag-pompyang na lang kami. Nanalo ang temang nabunot ni Wilson. Pinagpawisan ako nang malamig. Dahil wala kaming reference ng Pugad Baboy, at pasado lang ang kakayahan ko sa manga, nagdrama na lang ako ng "necessity is the mother of invention." Drinowing ko ang karakter na si Pao, umaaksyon ang posing, nakarobang pang-martial arts, at may hawak-hawak na dambuhalang suklay. Naka-V sign ang isang kamay, sabay kidlat at speedlines sa background. Ang title, "A-Go-Go PAO-er Ranger!"

Hindi ko alam ang results ng votation. Anyway, at least naaliw ako sa ginawa ko.

Masaya ang Komikon--this year felt better and more streamlined than the previous years. Wish ko pa rin na magkaroon ng mga satellite venues para hindi masapawan ng ingay ang ibang activities. (Puede siguro ang second level para sa mga contests at maliliit na fora, tapos first level ang main program at ang palengke.) Noong nag-judge kami ng Talecraft contest, halos nakadikit na mga tenga namin sa bibig ng mga contestant.

Pero in all, congratulations sa organizers! Your hard work brings us all together--dapat mapansin na kayo ng mga big-time paying sponsors!

PS: Salamat kay Randy Valiente sa compli copy ng kanyang librong naglalaman ng komentaryo tungkol sa Pinoy Komiks--meron akong isang entry doon. Ang mga imahaen sa post na ito ay nagmula sa blog ni Marco.

7 comments:

Gerry Alanguilan said...

Wha? I would have jumped at the chance to draw a gay Wolverine! That would have been fun. Our competition was... "What If Gambit was based on The Artist Formerly Known as Prince?" Tulad mo, di ko rin alam kung sino nanalo. :D

Angelo said...

si carlo! naka-muscle tee?! wowowoweee!

Gio Paredes said...

Hello Carlo,
It is so nice to see you mentioning my name at your post here. Coming from you I consider it an honor.

---------
Ako rin. Parang ang ganda gumawa ng gay Wolverine boss Gerry. :-)

Duon naman sa "Anong sasabihin ni Shaider kay Zaido?"

Your nothing but a second rate, trying hard, copy cat. (Sabay buhos ng isang baldeng tubig)

:D

Carver said...

gerry! ... Masaya sana, 'di ba? Kaya lang parang no-brainer ang gay Wolvie, eh. 'Di ko nga natignan masyado ang mga gawa ninyo, eh. Sayang. :-(

angelo... Hay...mainit kase!

gio...walang anuman. :-)

"You're nothing but a second rate, trying hard, copy cat!" Sabay Time Space Warp at Shigi-shigi-shigi-shigi. :-)

Ed said...

Wahahaha. Aliw nga yung ek-ek 30 minutes na yun.

Gulat ako nung nakita kitang exposed ang arms. Kala ko reresbak ka lang eh. :D Haha!

-ed

JORI said...

Asteg, yung artwork mo kay Pao ang fav ko. Thanks for signing my copy.

asteg!!!

Looking forward for the next book. More power.

Carver said...

ed... 'Tol, resbak nga... "rest at the back". heheheh

jori... Asteeg! Thanks. :-)

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin