Wednesday, November 14, 2007

Bumibidyo

Hindi ko ito kinakaya. Napatunganga na lang ako, sabay blush.

Maraming maraming salamat kay Dennis Villegas at sa Filipiniana.net at naisama si Zaturnnah sa Top One Hundred Pinoy Komiks. At may bidyo pa, na siyang ipapalabas sa darating na Komikon (sa Sabado na po 'yon!), 'yon po ay ayon kay Sir Dennis.

Kung Komikon ang pag-uusapan, may Zaturnnah posters at iilang libro na ibebenta, kasama ang mga Penumbra novellas ni David Hontiveros. (Mayroon ding bagong gawa si David, pero saka na namin ilalantad 'yon.)

Susubukan po nating ilako ang One Night In Purgatory, 'yung una kong solo komiks na nailimbag noong 2001. Maghahakot pa kami sa bodega.

5 comments:

balbona said...

hey, pa-reserve po ako ng "one night in purgatory"...please...sa andun ako sa komikon...hope to see you, hehehe...

Angelo said...

carlo!!!! 0=)

kalansaycollector said...

wow congrats!!!! nawa'y mabuhay ang sining ng komiks sa pinas.;p

Carver said...
This comment has been removed by the author.
Carver said...

balbona... sana na-enjoy mo ang ginawa ko. :-)

angelo... ANGELOOOO!!! :-)

kalansaycollector...salamat po. Mabuhey! :-)

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin