Saturday, October 28, 2006

Mangibang-bansa

Isang beses pa lang ako naka-abroad. 'Yun pa'y may isang dekada na ang nakalipas. Kasama ko no'n ang una kong kasintahan (or UK for short, kahit Onaks siya) at sa Bangkoks kami napadpad. Actually, nauna siya sa Bangkoks. Sumunod ako.

Siyempre, pagdating ko sa paliparan ng Bangkoks, natungaw na lang ako dahil bukod sa first time ko sa ibang bansa ay mag-isa pa ako. Kaya ako, kunwari na lang na sanay akong mag-abroad para hindi mabiktima ng strange elements. Walk na lang nang walk, sundan na lang ang mga tao kung saan-saan na nakataas-noo. Pagdating ko sa lobby, hayun, nakangiti si UK sa akin. "You look like a lost puppy dog." Kyut, 'di ba? Smile na lang ako. Tutal, all-expense paid.

Hindi na ako sumama kay UK sa Bali the following year dahil siya ulit 'yung magbabayad at nahiya naman ako. Magmula noon, never ko nang binigyan ng pansin ang paga-abroad. Dahil bukod sa tamad ako pagdating sa page-empake, may lihim akong irrational fear of flying na hindi ko alam kung saan nanggaling. So, hindi na siya lihim. Pakiwari ko'y bunga into ng letseng 9/11.

N'ong pumunta kami ng Real Living staff sa Boracay noong Enero, scared ulit me dahil sa isang oras sa himpapawid. Pero, again, palihim ang scare. Kasi nga naman, irrational fear, 'di ba? Bakit ko naman papansinin ito? Hinayaan ko'ng sarili kong kabahan nang katakut-takot, pero sa exterior ay parang nagbibisikleta lang... sa clouds.

In recent years, nagkaroon ako ng a few invites from mga friends na mag-visit sa kanila. Meron sa New Zey-land, meron sa Virginia P. of the U.S.A., meron sa Zhong Kong. May nag-invite sa akin na mag-Cambojah naman, at Shenshen. Bukod sa budgetary constraints, nababahala ako sa oras sa sky. Okey lang siguro ang Zhong Kong, o kaya sa Cambojah dahil para lang akong nag-commute hanggang Cubao, depende sa traffic. Pero sa New Zeyland o sa U.S., nakows, baka death ang mangyari sa akin... death by bokot. Irrational death by irrational fear. Hindi makakayanan ng kunwari-powers.

(Parang 'yung dati kong ka-chat. Sumakay siya sa eroplano and, later on, dumugo ang mga tenga. Bokot.)

Oh well, wala lang. Bahala na. Admit ko na naiinggit ako du'n sa mga ibang friends ko at nakapag-umpisa sila muli sa ibang bansa. Fresh start ba. May mga nagtatanong kase sa akin kung bakit hindi ko subukan ang magsapalaran abroad. Ang sa akin, ayoko ng subok-subok lang. Better kung doon na ako at no turning back. 'Yun ang ginawa ng hayskul kabarkada ko. Iniwan niya ang managerial position niya sa isang IT company sa Makati para mag-try sa Canada... ang punchline ay walang naghihintay na trabaho sa kanya. Pero, ayun, okey na siya after how many years.

Again... oh, well, wala lang.

8 comments:

Jac said...

hihi buti ka pa nga nakapag-abroad na ;) pero in fairness, andami kong natutunang bagong words na maidadadgdag sa aking vocabulary :D

paolomanalo said...

Dahil bukod sa tamad ako pagdating sa page-empake, may lihim akong irrational fear of flying na hindi ko alam kung saan nanggaling. So, hindi na siya lihim. Pakiwari ko'y bunga into ng letseng 9/11.

Kaya ba hindi rin nakakalipad si Zaturnnah? In the words of Didi: "Nakakatalon lang siya ng mataas, carry na 'yun."

poni said...

hi! try deep breathing during flight, and then be aware of the pain/tightness is in your body - e.g. its location how intense and how large is its area of coverage. while being aware of the sensations just keep breathing deeply. the tension will move around the body until it will flow out either through the fingers/toes or top of the head. you can also do this while not flying, just imagine yourself riding a plane and watch your body's reaction. this worked for my mother - not she's not afraid of flying anymore. check out this link for more info: http://www.theosophy.ph/trans_05.htm

Angelo said...

carl, cambojah na tayo... pwease... hehehe!

Rach said...

My gash. During that Bora trip kala ko pa naman na kaya ganun ang fez mo, naoorlok ka kay Coni, yun pala nabobokot ka! Don't worry etong next planning land bound lang tayo, hehehe ;0) I'm your exact opposite pala, Daddy, I love flying. Not even the worst turbulence upsets me (unless mag-drop na ang oxygen masks). My fave part is when the plane lifts off from the ground! Tho I do have tips para di ka mabokot next time you fly: close your eyes and breathe deeply when the plane starts taking off, continue to keep your eyes closed for the first few minutes plane is in the air, open your eyes, close the window next to you, then immediately distract yourself by reading or watching a movie. ;0)

Anonymous said...

Kano ba talaga type mo? Paano ang Pinoy? Anong type mo? Curious lang.

Ed said...

Hmm...kung ayaw mo mag-fly-me-to-the, uhm, moon...ako naman gusto ko! Kasi I love clouds. Lalo na pag nasa ibabaw ka na ng mga mapuputing bulak. Tapos, pag lampas ka na ng ulap, blue sky na. Parang napaka peaceful sa itaas, hindi gaya ng dagat, maingay pa rin kahit puro tubig lang.

:D

Carver said...

jac... dagdag-vocabulary? Bokot! :-)

Paolo... Hahahahah...talagang i-psychoanalyze be ako? Darating din tayo sa pagllipad.

PONI! Thanks for the advice! Ingat lagi!

angelo...ipon muna. :-)

rach... sige...saan tayo sa susunod na planning?! :-)

anonymous... no preference. depende sa tao.

ed... never pa ako nag-barko! Masubukan nga minsan. :-)

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin