Thursday, July 08, 2004

Kakatuwa talaga ang buhay. Isang linggo pa lang ang nakalipas mula nang umalis ako sa pinagtatrabahuan ko, dalawang job offer na ang natatanggap ko. Dati, kung maghahanap ako ng trabaho, halos umiyak ako sa pagiging professional job applicant.

Sinabi ko na doon sa mga naginterbyu sa akin na hindi pa okey ang kalagayan ko, at naiintindihan daw nila ang sitwasyon ko, pero offer pa rin sila. Nakakapanghinayang tuloy. Eto na't binibigyan ako ng trabaho, nagdadalawang-isip pa ako. Hindi ko pa kaya. Hindi ko alam.

Diyos ko, ano po ba ang gusto Ninyong sabihin sa akin?

No comments:

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin