Tuesday, May 27, 2003

Lintek! Sumasakit nanaman ang ulo ko. Hindi kaya migraine na 'to? Huwag naman sana. Du'n daw nagsisimula ang stroke.

Napakalakas ng ulan sa labas, nagpapalakpak ang tunog sa tenga. Masaya't malungkot na palakpak, kasabay ng paghiyaw ng pabugso-bugsong hangin. Kelangan ko ng kape, kahit na nakailan na ako kahapon. Adik na ako sa kape. Adik pa sa yosi. Okey lang 'yon.

Ganyan kapag mag-isa. Maraming okey.

No comments:

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin