Monday, May 09, 2005

I've actually finished the first six pages of Zsazsa in Manila, but I had to stop. There's a lot about the story that needs serious tweaking (or shredding, depending on how heavy I bury my face into it). I've got the plot points down pat, complete with all the highs and lows, kick-butt action scenes, angst-ridden drama, and a few punch lines I personally found funny. But when I step back and look at the whole thing, there's something not quite right.

Didi tells me, "Pinag-iisipan mo kase nang todo. Tignan mo 'yan. Nagkukunwari ka pang kinakausap kita, pero ikaw rin lang ang nagbibigay sa akin ng script."

I respond, "Sa tingin mo ba, madali kang isulat? Kaya nga kita inilagay sa chapter five..."

"Chapter six. Habang nakikipagwarlah si Zsazsa sa may Lawton."

I sink in my chair. "Para kasing andaming characters."

"Ang problema sa 'yo, ambisyoso ka masyado," says Didi, sitting beside me. "Hindi ka pa komiks diva para gumawa ng First Philippine Bakla Superhero Epic."

"Ang ganda pa naman ng mga balak ko sa inyo. Maga-abroad pa kayo. Pupunta pa kayo sa outer space. Matutuklasan ninyo ang sikreto ng bato ni Zaturnnah. Tapos, may naiisip pa akong tipong Elseworlds... gusto mo ng kape?"

Didi grins, "Magkakaroon ba ako ng dyowa?"

"Secret. Gusto mo ng kape?" I reach for a mug.

"Ay, and ibig sabihin ng sikret ay oo! Excitement naman ako!"

"Pero kelangan ko munang linisin ang kuwento. Nao-overwhelm ako."

"Suggestion ko, dapat magkita sina Zsazsa, Darna at Krystala. Magkakaroon ng paligsahan sa kung sino ang pinakamagaling na superhero..."

Half a teaspoon of Nescafe. "Huwag na. 'Di ko afford. Wala na nga akong nabibiling komiks, eh."

"... tapos, mananalo si Zsazsa, kase siya lang ang babaeng superhero na may kapangyarihang magkaroon ng lawit."

I look at Didi and smile. "That's an idea."

"Gaga. Alam mo, kung nahihirapan ka sa pangalawang libro namin, gumawa ka na lang ng iba. Gayahin mo 'yung... ano 'yung mahalay na komiks na 'yon?"

"Alin? 'Yung kay Oliver?'

"'Yun nga! Gawa ka na lang ng komiks na mega-telag ang mga sandata. 'Yun ang Bakla Epic! May laplapan, saksakan, bakbakan. Pinapalakpakan pa ng mga kritiko!"

"Hindi ko kaya 'yun," I say, gulping a glob of brew. "Mas gusto ko pa 'yung mga gaya kay Arnold, o kaya ni Marco, 'yung hindi komplikado pero maganda pa 'rin. Parang lumabas na lang. Walang stress."

"Kung gumawa ka ng mahalay na komiks, lalabasan ka rin."

"Bastos mo."

Didi raises a brow. "Tandaan mo, darling. Ikaw ang may gawa sa akin, kaya bastos ka rin."

5 comments:

oliver said...

Hahahaha!!! ...mahalay na pinalakpakan ng kritiko... :D

podi said...

ay! si dodong maginoo pero medyo bastos! hihihi! :-P

Carver said...

Oliver...'di ba totoo naman? :-)

PODDDIIIII!! :-) Musta na?

oliver said...

Oo, pero... isang "mega-telag na sandata" lang naman ang pinakita ko di ba? Heheh ;)

Paeng said...

isama yang conversation na yan sa mismong komiks!!! ang saya!!! parang bakla version ng breaking the 4th wall na ginawa ni Grant Morrison sa Animal Man. :)

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin